Matagumpay na naidaos ang libreng Pap Smear examination
para sa mga kababaihan na pinangunahan ng tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa
pakikipagtulungan ni Dr. Buenaventura Magboo (OB-Gyne) at ng Provicial Health
Office sa pakikipag-ugnayan kay Board Member Caloy Bolilia. Ang pagsusuri ay ginanap
noong ika-25 ng Marso sa compound ng nasabing tanggapan.
Ang programang pangkalusugang ito ay taunang isinasagawa
tuwing sasapit ang buwan ng Marso bilang pagdiriwang ng buwan ng mga
Kababaihan. Para sa taong ito, nagkaroon ng kabuuang tala na dalawang daan at
animnapu’t walong (268) kababaihan na sumailalim sa libreng pasusuri.
Para
sa kaalaman ng marami, ang papsmear ay kaparaanan upang malaman kung ang isang
babae ay maysakit sa matris o wala. Ginagawa rin ito upang maiwasan ang pagtaas
ng bilang ng mga babaeng may cervical cancer sa pamamagitan ng maagap na
paglunas kung sakaling malalamang may sakit ang isang babae. Lubos naman ang
pasasalamat ng mga naging tagapakinabang ng nasabing programa dahil sa halagang
kanilang natipid sa pribadong laboratoryo bunga ng pagmamalasakit ng Kgg. na
Punumbayan, Nas Ona at ng kanyang administrasyon sa pangunguna ng Municipal
Health Office.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."