Nanumpa
si Gng. Milagros V. Tenorio bilang ganap
na Municipal Treasurer ng bayan ng Calaca noong ika-9 ng Marso 2009 sa bulwagan
ng bagong munisipyo sa harap ni Mayor Nas Ona, mga opisyales at kawani ng lokal
na pamahalaan kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya. Matapos ang
panunumpa ng itinalagang treasurer, maikli ngunit madamdaming mensahe ang kanyang
inihatid sa mga nakakarinig.
Bago pa siya naging ganap na Municipal Treasurer, naglingkod
na siya sa nasabing tanggapan mula August 1980 hanggang December 1995.
Pagkatapos nito, natalaga naman siyang Municipal Local Civil Registrar mula
December 1995 hanggang dumating ang panunungkulan ni Mayor Nas Ona noong
September 2005 at maatasan siyang maging Officer-in-Charge sa Tanggapan ng
Pambayang Ingat-Yaman habang patuloy na gumaganap na Municipal Civil Registrar
Officer. Sa makatuwid dalawang magkasabay na posisyon ang kanyang hinawakan at
ipinakita pa rin niya na nagampanan niya ng maayos ang magkasabay na tungkuling
iniatang sa kanya. Dumating ang pagkakataong kausapin siya nina Mayor Nas Ona,
Vice Mayor Larry Atienza at Konsehala Prima Dajoyag upang ganap na pahawakin ng
tungkulin bilang pambayang ingat-yaman. Ito ang naging hamon kay Gng. Tenorio
upang harapin ang mga dagok nang ipaalam sa kanyang pamilya ang pakiusap ng
nakakataas. Hindi naging pabor sa kanyang asawa na tanggapin ang nasabing
posisyon noong una at dahil sa kumplikado at may kahirapan ang katangian ng
trabaho na naging sanhi ng kanyang malimit na pagkakasakit. Gayun pa man,
pinanindigan ng pambayang ingat-yaman na tanggapin ang trabaho dahil
isinaalang-alang niya ang kinabukasan ng bayan at mamamayan sa pamamagitan ng
pagsunod at pagsuporta sa magandang layunin ng kasalukuyang administrasyon.
Napagkalooban
ng binhing mais ang mga magsasaka mula sa Tanggapan ng Philippine Coconut
Authority o PCA sa pamamagitan ng G. Pacifico C., Ramos kinatawan ngTanggapan na nakatalaga sa bayan ng Calaca. Sa pakikipag-ugnayan sa Pambayang Tanggapan ng
Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alice A. Cabrera matagumpay na naipamahagi ang
binhing mais naumabot sa apat na daan
at apatnapu’t isang (441)magsasaka mula
sa dalawampu’t walong (28) barangay sa nasasakupan ng bayan ng Calaca ang
nabiyayaan ng programa.Layunin nito na
maipatupad ang Coconut-Corn Intercropping at Hunger Mitigation Program at upang
malinang at pakinabanganang bakanteng
lupa sa ilalaim ng niyugan. Kasama ng bawat sako ng mais ang pakete ng BIO-N,
isang innoculant na makatutulong sa pagpapalusog ng sibol ng mais. Nakapaloob
sa pagpapatupad ng programa ang pagbabalik ng sampung (10) kilo ng tuyong mais
pagkatapos aninhin upang muling maipamahagi sa iba pang magsasaka na hindi
nabiyayaan sa unang serye. Hindi lamang binhing mais ang tulong na ipinamahagi
ng PCA sa mga nagsasakang Calaca
subalit tuloy pa din ang Salt Fertilization Program kung saanpinagkakalooban ng libreng Salt Fertilizer
ang mga magniniyog.
Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang
maghari ang Diyos” Mateo 4:17
Ganun
din naman madalas nating marinig ang katagang ito, “Ang paalala’y gamot sa
taong nakakalimot”. Ang Biblia ay naglalaman ng mga paalala, isa na dito ang
pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Paalala na wari ba’y
ipinagwawalang bahala natin. Bilang mga tao, patuloy pa din tayo sa pag-iisip ng
‘di-maganda sa ating kapwa, pagsasalita ng masama at kung minsan o madalas
paggawa ng hindi tama sa paningin ng tao lalo na sa paningin ng Diyos.