Muling
binigyang importansiya ang mga kababaihang sa bayan ng Calaca sa pagdiriwang ng
taunang Buwan ng mga Kababaihan na idinaos noong ika-10 ng Marso,2009 sa
pambayang bulwagan. Tampok sa pagdiriwag ang temang “Babae, Yaman Ka ng Bayan”
na kinapalooban ng programa bilang parangal sa mga kababaihan.
Nagsimula ang okasyon sa isang parada na dinaluhan ng 660
miyembro ng Municipal Women’s Coordinating Council sa buong bayan ng Calaca, ganap na ika-8 ng umaga na nagsimula sa
pambayang pamilihan patungo sa bulwagang pambayan. Kagyat itong sinundan ng
palatuntunan na kinatampukan ng mga mensahe ng pagbati at pagpupugay sa mga
ilaw ng tahanan mula sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor
Larry Atienza. Nalubos naman ang kaligayahan ng mga dumalo ng marinig ang
mensahe ng ama ng bayan ng Calaca, Mayor Nas Ona na nagbalik-tanaw sa kung
paano niya hinahangaan ang kahusayan ng mga kababaihan at inihalimbawa ang
kanyang butihing ina na naging gabay niya sa kanyang paglaki. Nag-iwan naman ng
hamon ang nagsilbing panauhing pandangal na si Atty. Lita T. Maligaya sa bawat
isang kababaihan na manindigan at ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng sarili sa
kabila ng mga pagsubok sa kasalukuyang panahon. Binigyang-diin din niya ang
aktibong pakikilahok ng mga kababaihan sa mga gawaing panlipunan .
Samantala, nasorpresa din ang mga nagsidalo at nakiisa sa pagdating ni
Vice-Governor Mark S. Leviste na ipinabatid ang kanyang natatanging paghanga sa
mga bidang kababaihan ng araw na iyon kasabay ang mga regalong payong para sa
mga kanila.
Pinatingkad din ang okasyon ng iba’t ibang Palarong Pinay na
inihanda ng MSWDO para sa kanila. Buong lakas na nagbuno ang apat na clusters o
grupo ng mga kababaihan sa masayang tunggalian sa larangan ng bunungbraso, sack
race, caterpillar, string and calamansi relay, longest line, tug of war at Jose
went to town. Naging masaya din sila nang
magkaroon ng raffle in cash and in goods kabilang ang ilang pribadong
indibidwal sa bayan ng Calaca ganun din ang pakikibahagi ng Batangas Union
Industrial Park sa pakikipag-ugnayan ng MSWDO kay Ms. Mercy Dimal ng nasabing kumpanya.
Sa
kabuuan, napatunayan ng mga kababaihan na ang kanilang lakas at kakayahan ay
may mahalagang kontribusyon sa paghubog at pag-unlad ng pamayanan sapat na
sabihin na ang mga babae ay yaman ng bayan.
Muling nagsagawa ng magkasunod na Blood Donation Program ang
Tanggapan ng Pambayang Kalusugan noong ika-9 ng Pebrero 2010 sa Barangay
Quizumbing at muling nasundan noong ika-16 ng Pebrero 2010 na ginanap naman sa
nasabing tanggapan na naglalayong makapag-pondo ng dugo para sa mga kababayan.
Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang
maghari ang Diyos” Mateo 4:17
Ganun
din naman madalas nating marinig ang katagang ito, “Ang paalala’y gamot sa
taong nakakalimot”. Ang Biblia ay naglalaman ng mga paalala, isa na dito ang
pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Paalala na wari ba’y
ipinagwawalang bahala natin. Bilang mga tao, patuloy pa din tayo sa pag-iisip ng
‘di-maganda sa ating kapwa, pagsasalita ng masama at kung minsan o madalas
paggawa ng hindi tama sa paningin ng tao lalo na sa paningin ng Diyos.