Makulay
na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso na naganap sa bayan ng Calaca noong ika- 14
ng Pebrero 2009, sapagkat tatlumpu’t dalawang (32) pares ang pinag-isang dibdib
sa pagdaraos ng ika-apat na serye ng Kasalang Bayan na isinagawa sa Roof Deck
ng bagong gusali.Ang seremonya ay
pinangunahan ni Mayor Nas Ona at ang pagtataling puso ay ginampanan ni G.
Sabino Sale
(Konsultant). Samantala ang pagpapahayag ng salita ng Diyos ay ginampanan ni
Ptr. Joel Betis ng Calaca Ministerial Fellowship. Higit pang pinatingkad ang
selebrasyon sa saliw ng pag-awit ng mga piling kawani at opisyal ng lokal na
pamahalaan na kinabibilangan nina Kgg. Deovic M. Ontangco (SB Member), G.
Ronald Aala mula sa (COMELEC Office), Gng. Robieleen Endozo ng (Municipal
Health Office), Gng. Marjorie Malabanan ng (Local Civil Registrar Office) at ng
dalawang (2) ONA Scholars na sina Bb. Justine Kate Pacis at Bb. Veronica
Pastoral.
Matapos ang seremonya, tumanggap ang mga
ikinasal ng regalo mula sa punumbayan Kgg. Mayor Nas Ona na tumayo ring isa sa
mga Ninong ng bawat pares na ikinasal. Nagkaroon din ng munting salu-salo na
inihanda ng lokal na pamahalaan para sa mga ikinasal at kanilang mga kasamang
panauhin. Ang nasabing okasyon ay bahagi ng programa ng Administrasyong Ona-Atienza sa
pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil at buong pusong
sinuportahan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan na naging saksi sa okasyong
iyon.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."