straphael inauguration14 offroad12 filipina xmasfest0909 varietyshow03 varietyshow06 opening13 childrensday06 mountainbike04 procession07 seniorcitizen03 bbatgcalaca09 bbatgcalaca06 xmasfest0906
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
DISASTER PREPAREDNESS MANAGEMENT TRAINING, PATOK PA RIN
News

Ni: Lorena C. Casanova

 

disastertraining0901.jpgMatagumpay na isinagawa ang PRE-NEED Emergency Training and Participatory Planning Workshop sa barangay Munting Coral noong ng Pebrero 7-8, 2009 na dinaluhan ng tatlumpu’t tatlong (33) partisipantes na kinabibilangan ng mga opisyales ng barangay na pinamumunuan ni Kgg. Nestor Cabaces, LUNAS Kapayapaan, Kalusugan at Kabatiran Volunteer Workers. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng pagsasanay para sa pangunang lunas kung sakaling magkaroon ng sakuna o krimen at mayroong maging biktima. Mapalad din ang mga naging partisipantes sapagkat dito nagkaroon ng pagkakataon na maipakita kung paano ang tamang pagresponde ng first aider o rescuer sa mga biktima sa pamamagitan ng isang senaryo. 
 
disastertraining0902.jpg
Nagulantang ang mga nakasaksi sapagkat nagmistulang totoong pangyayari ang eksena dahil sa ginamit na artipisyal na dugo na inilagay sa katawan ng nagkunwaring mga biktima. Samanatala, isinagawa din ito sa balkon ng bagong gusali ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Calaca noong ika-14 hanggang ika-15 ng Pebrero na dinaluhan naman ng labing siyam (19) na representante ng barangay San Rafael na pinangunahan ng mga konsehal ng barangay kasama ang mga LUNAS Volunteer Workers. Sinundan naman itong isinagawa sa barangay Lumbang na Bata noong ika-28 hanggang 29 ng Pebrero na dinaluhan ng tatlumpu’t limang (35) partisipantes. Ang barangay Coral ni Bacal ay matagumpay ding nakapagsanay noong ika-7 hanggang 8 ng Marso kung saan mayroong tatalumpu’t tatlong nagsanay gayundin ang matagumpay na pagsasanay sa barangay Matipok noong ika-14 hanggang 15 ng Marso na nagkaroon ng dalawampu’t limang partisipantes at gayundin ang barangay Dila na dinaluhan ng limampu’t limang partisipantes.  Itinuro din sa kanila ang mga kasanayang nabanggit sa itaas at matapos ang isinagawang kasanayan ang mga dumalo ay tinawag nang 143 Red Cross Volunteer. Lalo pang naging makabuluhan ang pagsasanay dahil sa maiinit na mensaheng inihatid ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Nas Ona, Vice-Mayor Larry Atienza at miyembro ng Sangguniang Bayan.
 
Naging sulit naman ang dalawang araw na seminar ng mga partisipantes mula sa barangay na nabanggit sapagkat walong (8) mahuhusay na tagapasanay mula sa Philippine National Red Cross, Batangas Chapter na sina Bb. Iris Recto, G. Jason Vinluan, G. Jones Lizardo, Jesus De Torres, Meynard Ramos G. Jofren Comia, Bb. Katherine Lacorte, G. Dannel Lopez at Bb. Kristiana Vargas ang nagpamalas ng galing sa pagtuturo sa pakikipag-ugnayan ni Bb. Mary Jane B. Rosal sa pamamatnubay ni G. Igmerdio Pastoral, Jr. (Consultant on Disaster Preparedness) sa nasabing ahensiya ng Red Cross.
 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < July 2010 > »
S M T W T F S
27 28 29 30 1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
No events

You Are Visitor

We have 2 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola