offroad08 calacalodging carreradepaso_1006 xmasfest0902 xmasfest0912 carreradepaso_1010 childrensday18 cnhs batulao02 calaca_academy bbatgcalaca20 decobooth11 lapieta inauguration03 inauguration_2010_14
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
Oryentasyon para sa Natatanging Abilidad ng mga Calaqueño, Tulay sa Pagbabago
News

Ni: Sherwin Comia

 

ona200901.jpgMatagumpay na naipagpatuloy ang Oryentasyon para sa Natatanging Abilidad ng mga Calaqueño sa apat na magkakalayong barangay sa bayan ng Calaca kung saan patuloy na tinatalakay at pinag-aaralan ang mga pamamaraan na makatutulong sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng mga mamamayan. Kabilang sa mga paksa ay ang family planning, agrikultura, good grooming, mga talakayin tungkol sa dental at medical, gayun din ang mga pamamaraan ng pag-iwas sa mga bisyo . Isa ito sa mga programa ng administrasyong ONA-ATIENZA na patuloy na dumadaloy sa mga barangay sa pamamagitan ng Rural Health Unit na pinamumunuan ni Dr. Marjolyne Sharon V. Ona. Isa sa apat na barangay ay ang barangay Taklang Anak na pinagdausan noong buwan ng Enero at tinatayang umabot sa isandaang pursyento ng mamamayan ng barangay ang dumalo. Sumunod naman ang barangay Tamayo sa kasabay na narating ng nasabing programa ng nasabing  buwan gayundin ang barangay Loma at barangay Baclas noong Pebrero  hanggang sa kalaghatian ng buwan ng Marso.
 

ona200902.jpgKabilang sa mga dumalo ang mga Out of School Youth, mga ina ng tahanan (Mother’s Class), mga ama ng tahanan (Father’s Class) at mga Senior Citizens. Matapos ang halos isang buwang pag-aaral, isinagawa ang graduation rites sa kani-kanilang barangay  kung saan magkahalong luha at ngiti ang naramdaman ng mga dumalo sapagkat marami sa kanila ang hindi nakaranas tumuntong ng entablado para magtapos ng kanilang pag-aaral dala ng kahirapan ng buhay noong kanilang kapanahunan lalo na ang mga Senior Citizen.

 

Dahil sa patuloy na pagdaloy ng mga programang ito ng kasalukuyan administrasyon, laking tuwa at pasasalamat ng mga opisyales ng barangay sa pamumuno ng mga kapitan sapagkat napatunayan nila na ang mga taong kanilang pinagkatiwalaan at iniluklok sa tungkulin ay may matinding pagmamalasakit sa kanilang mga nasasakupan.

 

Naging matagumpay naman ang pagdaraos ng programa sa pagpupunyagi ng masisipag at disiplinadong kawani ng lokal na pamahalaan na nakaditine sa Tanggapan ng Pambayang Kalusugan kaagapay ang DSWD, Agriculture Office at Information Office.
 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < July 2010 > »
S M T W T F S
27 28 29 30 1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
No events

You Are Visitor

We have 1 guest online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola