Lumapit
kayo sa akin, kayong lahat ng napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at
kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa
akin; ako’y maamo at mababang loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa
inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang
pasaning ibibigay ko sa inyo.Mateo 11:28-30
Lumapit tayo sa Diyos, ang palaala sa atin ng Biblia,
sapagkat ang handog Niya ay kapahingahan sa ating mga pagod na kaluluwa.
Nadarama natin ngayon ang iba’t ibang suliranin na
kinakaharap ng ating lipunan, matinding krisis at kahirapan, pagsasara ng
maraming mga kumpanya, krimen at iba pa. Mga suliranin o problemang kinakaharap
natin sa loob ng ating pamilya. Katulad ng sabi Niya sa Kanyang Salita “Mayroon Kayong Kapighatian dito sa
sanlibutan” Juan 16:33
Sa mga panahong katulad nito, kailangan natin ang
kapahingahang nagmumula sa Panginoong Jesu Cristo! At siya ang nagsabi sa
ating, “Lumapit kayo sa akin.” Sa
Kanya mararanasan natin ang kapahingahang hinahanap natin. Sapagkat ang
kapighatiang nararanasan natin ay ginawa hindi para tayo ay masira o mawasak,
kundi para tayo ay yumukod sa Kanya. (Difficulties
are designed not to break us, but to bend us toward God.)
Pasanin natin ang pamatok Niya, higit sa mga pasaning ating
dala-dala, sapagkat maginhawang dalhin ang kanyang pamatok, at maayos ang
Kanyang pasaning ibibigay sa atin. Katulad ng paalala sa atin ng1 Cor. 10:13, “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi pa dinanas ng lahat ng
tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kanyang subukin ng higit
sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng
lakas upang mapagtagumpayan iyon.Habang pinapasan natin ang kanyang pamatok, mag-aral tayo sa Kanya,
sapagkat siya ay maamo at mababang loob. Buong tiyaga niya tayong tuturuan ng
kanyang mga tuntunin at pamamaraan, kung papasanin natin ang pamatok na kanyang
ibinibigay!
Ang
paanyaya ay sa Panginoon, at sa atin ay pagtugon. Ba’t hindi subukang lumapit
sa Kanya, upang maranasan ang kapahingahang iniaalok Niya?
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."