|
Matapos ang labing-apat na taon ng paghihintay, sa wakas ay naipatupad na ang desisyon ng korte ukol sa usapin ng pagbabayad ng Real Property Tax on Machinery and Equipment ng FELS Energy, sa pamamagitan ng National Power Corporation (NPC), para sa mga power barges na dating nakalagak sa NPC- Batangas Coal-Fired Thermal Power Plant sa Bayan ng Calaca. Noong nakaraang ika-14 ng Nobyembre 2008, ipinagkaloob ng FELS Energy sa Tanggapan ng Panlalawigang Ingat-Yaman ang tseke na may halagang 150 milyong piso (Php 150M) bilang paunang bayad sa kabuuang halaga na Php 331,486,122.55 na halaga ng kanilang obligasyon. Inaasahang mababayaran ng nasabing kumpanya ang natitirang halaga bago matapos ang Disyembre ng kasalukuyang taon.
Sa nasabing kabuuang halagang 331 Milyong Piso, mahigit 190 Milyong Piso ang mapupunta sa Bayan ng Calaca. Ito ay ayon sa sumusunod na alituntunin ng batas sa pagbabahagi ng buwis sa real properties: | Local Government Unit | 50% Share for Special Education Fund | 50% Share for General Fund | SUB TOTAL
| TOTAL AMOUNT FOR CALACA | | Province | 50% | 82,750,000.00 | 35% | 57,925,000.00 | 140,675,000.00 | | | Municipality | 50% | 82,750,000.00 | 40% | 66,200,000.00 | 148,950,000.00 | 190,325,000.00 | | Barangay | | | 25% | 41,375,000.00 | 41,375,000.00 | | | | 165,500,000.00 | | 165,500,000.00 | 331,000,000.00 | |
Sa pagpasok ng napakalaking halaga sa kaban ng Bayan ng Calaca, inaasahan ang patuloy na pagdaloy ng mga serbisyo at programa ng pamahalaang bayan para sa mga mamamayang Calaqueño. |