|
2 Paaralan sa Elementarya, Pinagkalooban ng Class Rooms |
|
News
|
Pinagkalooban ng dalawang (2) class rooms ang Salong at Bambang Elementary School mula sa Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. sa pakikipag-ugnayan ng Balayan Distillery Corporation, isang kumpanya na nakatayo sa Barangay Talisay, nasasakupan ng bayan ng Calaca. Isinagawa ang ribbon cutting at pormal na turnover ng dalawang (2) classrooms noong ika-7 ng Nobyembre una sa Barangay Salong. Dinaluhan ang okasyon nina John K. Tan, President, Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc.; Enrique Chua, Chairman, Welfare Committee, G. Alfredo S. Magpile, Calaca Dist. Supervisor at G. Rudy G. Mercado, Executive Assistant IV mula saTanggapan ng Punongbayan. Nalubos ang kagalakan nina G. Tan, G. Chua at mga kasama sa mainit na pagtanggap ng mga guro, mga mag-aaral at mga opisyales ng barangay.
Ayon kay G. Magpile mahigpit na siniyasat ang mga paaralan sa elementarya upang malaman ang paaralan na may higit na pangangailangan sa nasabing pasilidad at dito nahirang ang dalawang (2) nabanggit na paaralan. Lubos naman ang kagalakang naramdaman ng mga guro sa pangunguna ng mga punongguro na sina Gng. Ofelia Gatdula (Bambang Elementary School) at Gng. Adelaida A. Mostacho (Salong Elementary School). |