|
Ni: Cristy Balitustos
Matagumpay na naisagawa ang taunang paglilinis ng baybay dagat sa bayan ng Calaca noong ika-20 ng Setyembre bilang pakikiisa sa pagdaraos ng International Coastal Clean up Day. Pinangunahan ang aktibidad ng mga opisyales at kawani ng lokal na pamahalaang bayan ng Calaca kasama ang pamilya ng DepEd, mga NGO, mga miyembro ng Municipal Fishery and Aquatic Resource Management Council at sa pakikiisa ng Sangguniang Barangay at mga barangay Volunteer Workers.
Naging opisyal na tagapagtala ng datos ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor para sa mga nakolektang basura gaya ng mga goma, tsinelas, diapers, kahoy karton, upos ng sigarilyo, bunot ng niyog, tuyong damo, bote, balutan ng pagkain, damit atbp. Ibinukod din ang mga basura gaya ng lambat, tali, mga dahon, at iba pang gamit sa lambat. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsunog ng basura kaya hinakot ang mga ito at inilagay sa tamang lalagyan at ginawang kapaki-pakinabang ang mga hindi nabubulok na basura tulad ng mga bote, bakal atbp. Nakiisa din sa naturang gawain ang mga pribadong kumpanya sa nasabing bayan kabilang dito ang National Power Corporation, Bacnotan Union Industrial Park, Steel Asia, Southbay Bulk Terminal Inc. Kagaya ng nakaraang taon, buong pusong nagkaloob muli ng mga sako ang Balayan Distillery Inc. na siyang ginamit na sisidlan ng mga basura. |