|
MGA CALAQUEÑO, ANGAT SA RHU LINGAP KALUSUGAN PROJECT |
|
News
|
|
Ni: Sherwin Comia Ang ika-17 ng Setyembre 2008 ay isa na namang napakagandang pagkakataong nakapaghatid ang Municipal Health Office na pinangunahan ng masipag ng Health Officer, Dr. Marjolyne Sharon V. Ona sa kanilang programa na may temang “LINGAP KALUSUGAN, Year 3 Part II” handog sa mga kababayang may edad na.
Isinagawa ang Fasting Blood Sugar (FBS) Total Cholesterol, Triglycerides, Good Cholesterol (HDL), Bad Cholesterol (LDL) Uric Acid tests at libreng eye check up para sa mga dumalo. Bagama’t may karampatang singil na dalawang daang piso (Php200.00) para sa eksaminasyong medikal, higit naman itong mababa kung ihahalintulad sa mga pribadong laboratoryo. Sa kabuuan, umabot ng 136 na katao ang nabigyan ng serbisyo at lubos ang kanilang pasasalamat dito. Kahit marami na ng programa sa RHU, patuloy pa ring umiisip ang mahal na Punumbayan at ang kanyang may-bahay, Dr. Sharon Ona nang mga programa na naa-angkop sa pangangailangang pangkalusugan ng mga Calaqueño. |