Dahil sa kagandahang loob ng pamilya ni Gng. Mary Espinosa ng Barangay Poblacion 2 dalawang medical oxygen tank at isang set ng medical regulator ang ibinigay sa Tanggapan ng Pambayang Kalusugan noong ika-10 ng Setyembre 2008. Ang nasabing tangke ay may bigat na 14.2 kgs, samantalang ang isa naman ay 6.5 kgs.
Ipinagkaloob ang nasabing kagamitan sapagkat isa ito sa pangunahing pangangailangan ng Health Center upang patuloy na maragdagan ang serbisyo sa maraming pasyenteng dumadagsa lalo na ang mga emergency cases na nangangailangan ng oxygen. Napakalaking katulungan nito sa Health Center sapagkat isang oxygen tank lang ang ginagamit dito. Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa mga taong may kabutihang loob katulad ni Gng. Espinosa sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Pangkalusugan sa pamumuno ni Dr. Marjolyne Sharon V. Ona.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."