Tatlong daan at pitumpu’t pitong (377) kabataan ang nagtapos noong Setyembre 1, 2008 na ginanap sa Calaca Municipal Gymnasium, sa ilalim ng Libreng Pagasasanay na Teknikal at Bokasyonal ng Kinatawan ng Unang Distrito EILEEN ERMITA-BUHAIN, sa pakikipagtulungan at pakikiisa ni Mayor SOFRONIO NAS ONA, JR. na sila rin ang nagpasinaya sa nasabing okasyon kasama ang Technical Skills Development Authority (TESDA), Regional Director Teodoro Gatchalian at Director Pascual Ariola ng TESDA Batangas City at mga kinatawan ng E-seal Academy.
Sa ilalim ng nasabing programa, idinaos ang libreng pagsasanay sa slaughtering operation, shielded and metal arc welding (SMAW), household services at barista mula Mayo 26 hanggang Setyembre 1, 2008. Samantala ang massage theraphy ay ginanap noong unang Linggo ng Disyembre noong nakaraang taon.
Pinatingkad ang nasabing okasyon sa pamamagitang ng pagbibigay karangalan sa mga natatanging nagsipagtapos na kinabibilangan nina Karisa Amor Pilapil (Outstanding Female Welder), Jayson Malabanan at Joselito Coraraton (Outstanding Male Welders), Micheal De Villa (Outstanding Household Service Worker at Mark Anthony Brucal (Outstanding in Slaughtering Operation).
Sa kasalukuyan isinasaayos ang preparasyon para sa pagbubukas ng iba pang kursong teknikal kagaya ng computer programming, gas metal arc welding (GMAW) barista at iba pa.
Layunin ng programa na gawing kapaki-pakinabang at makabuluhan ang pamumuhay ng bawat Calaqueño sa kabila ng kakulangan sa pormal na edukasyon, lalo’t higit ang mga kabataan na siyang magiging pundasyon ng darating na henerasyon.
Panahon na naman ng eleksyon,
marami na naman tayong kaibigan na gumagala sa mga bahay-bahay. Karamihan sa
mga ito ay palakaway, palakamay at palaakbay. Lahat sila’y tila ba
pinakamabuting tao na dapat ihalal at sa bawat pisil sa pagdampi ng kanilang
mga kamay ay isang biyaya na dapat agad sunggaban. Sa mga tarhetang kanilang
iniaabot kasama ang ilang pirasong kendi para sa mga botante ay pampalaway ay
para bang nagsasabing kasing tamis nito angserbisyonghandang ibigay. Sa
kanilang posters at campaign materials na sa mga pader, poste at punungkahoy ay
nakasabit, nakasulat walang kamatayang
slogan ng partido pulitikal o mga nakalulululang pang-uri na naglalarawan sa
kanilang adhika. Katabi ng mga ito nakabalandra nilang matamis na ngiti at sa
ibaba nakasulat ngalan ng kandidato na para bang nagsasabing iboto mo ako
problema mo’y mapapawi handang lingapin ang pusong sawi.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."