Ni: Edna V. Alamag (LUNAS Kabatiran, Barangay 2 - Poblacion)
Kaugnay ng nalalapit na Town Fiesta, isang sama-sama at masayang “Operasyon Linis Barangay” ang naganap sa Barangay Poblacion 2 na isinagawa noong ika-17 ng Agosto taong kasalukuyan na pinangunahan ng makisig na ABC President at Kapitan ng Barangay Orlando Noche, kasama ang iba pang mga opisyales, mga LUNAS Kapayapaan, LUNAS Kalusugan Volunteer Workers at maging ng mga kabataan ng nasabing Barangay.
Ayon kay Kapitan Noche, magiging buwanan ang ganitong activity sa barangay bilang paghahanda sa nalalapit na contest para sa Best Decorated and Landscape Barangays na kanilang sasalihan at upang mapanatili na rin ang kalinisan sa komunidad at maiwasan ang anumang karamdaman dulot ng maruming kapaligiran.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."