xmasfest0912 inauguration_2010_07 bbatgcalaca12 brgy.pob5 mountainbike07 pawikan_moa_signing_07 drum&lyre02 mountainbike09 offroad03 seniorcitizen02 inauguration10 inauguration_2010_11 xmasfest0906 pawikan_moa_signing_17 streetdance06
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
BARANGAY NIYUGAN TUNGO SA MAUNLAD NA PAMAYANAN
News

Ni: Marlon A. Gomez
(LUNAS Kabatiran Volunteer Worker) 

Simula ng maluklok sa tungkulin ang mga nahalal na opisyales ng Barangay Niyugan sa pamumuno ni Kapitan Geronimo Siscar, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa barangay. Aktibo ang mga opisyales sa pagsasagawa ng palagiang pagpupulong tuwing unang araw ng buwan. Nakapagpasa na rin ng walong (8) Resolusyon sa Tanggapan ng Senado, Tanggapang Panlalawigan, sa Kgg. na Representante ng Unang Distrito ng Batangas, EILEEN ERMITA-BUHAIN, at gayun din sa Tanggapan ng butihing Punumbayan Nas Ona.

Samantala, alinsunod sa kahilingan ng mga kabataan ay nagkaroon ng Inter-Color Basketball League sa barangay na sinimulan noong ika-8 ng Marso 2008 at natapos noong ika-29 ng Marso taong kasalukuyan.

Naipakongkreto na rin ang di-kahabaang sukat ng daan na dati ay naging balakid sa mga dumaraang sasakyan kung panahon ng tag-ulan. Ito ay may sukat na tatlumpu’t isang metro (31) pahaba at may lapad na tatlong (3) metro na nagkakahalaga ng walumpung libong piso (Php 8,000.00) mula sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng barangay.

Naging bahagi rin ang naturang barangay ng mga proyekto mula sa lokal na pamahalaan sa kabutihang loob ni Mayor Nas Ona, Vice-Mayor Larry Atienza, at lahat ng bumubuo ng Sangguniang Bayan.

Mula sa tanggapan ng Pambayang Agrikultor naman nabiyayaan ang ilang residente ng nasabing barangay ng mga butong pananim, katulad ng talong at sitaw na ipinagkaloob kay G. Efren Casanova. Sang-ayon kay G. Casanova ay malaking tulong ang naidulot nito sa pang araw-araw na pangangailangan. Sinundan ito ng pamamahagi ng buto ng papaya at organikong pataba sa pamamagitan pa rin ng nasabing tanggapan  sa tulong din ng mga Seed Companies, kabilang ang Allied Botanical Seed Company at Ramgo International na laging nakaagapay upang tulungan ang mga magsasaka sa barangay. Sampung (10) tagapakinabang sa barangay Niyugan ang nabigyan ng butong papaya na kinabibilangan nina G. Efren Casanova (135 puno), G. Filomeno Casanova (135 puno), G. Mario Casanova (135 puno), G. Rufo Alamag (135 puno), G. Albert Alamag (135 puno), G. Ronald Bautista (135 puno), G. Melquiades Endaya (135 puno), G. Jessie Gomez (135 puno) at G. Allan De Ocampo (135 puno) na may kabuuang isang libo tatlong daan at limampung (1,350) puno.

Dahil dito, nagkakaroon ng katuparan ang matagal ng hinahangad ng mga residente ng Barangay Niyugan na maging isang maunlad na pamayanan na uugit sa isipan ng mga mamamayan “Onward to New Aspirations”.

 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < July 2010 > »
S M T W T F S
27 28 29 30 1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
No events

You Are Visitor

We have 163 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola