|
Bagong Halal na Opisyales ng Senior Citizens Federation, Nanumpa |
|
News
|
|
Ni: Reinier Owen M. Farquerabao Matagumpay na idinaos ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng Senior Citizens Federation na ginanap noong ika-14 ng Mayo 2008 sa Tanggapan ng Punumbayan. Sa pangunguna ni Mayor Sofronio “Nas” Ona, nanumpa sina Mr. Pablo Hernandez (OSCA Head), Mr. Arsenio Rosell (President), Mr. Renato Martinez (Vice President), Mrs. Gilda Sacdalan (Secretary), Mrs. Severina Eguia (Treasurer), Mr. Amado Enriquez (Auditor), Mr. Flaviano Calingasan, Mr. Conrado Landicho, Mr. Miguel Atienza, Mrs. Herminia Noche, at Mr. Clemente Pilapil (P.R.O), Mr. Lino Oronica at Mr. Calixto Pilac (Sgt. At Arms).
Nagkaisa ang lahat na gagampanan nila ang mga bagong iaatas na tungkulin sa kanila at lalong palalakasin at patatatagin ang organisasyon na sinimulan ng mga dating halal na opisyal. Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong opisyales ng senior citizen sa harap ni Mayor Nas Ona. | Si Mayor Nas Ona (nasa gitna) kasama ang mga bagong opisyales ng senior citizen at sina (mula sa kanan) Gng. Susana Pioy (MSWDO-OIC), Bb. Cynthia Salazar (MNAO), Bb. Jennifer Asilo, G. Reinier Owen Farquerabao (Social Workers). |
|