|
KABABALAGHANG LIKHA NG KALIKASAN |
|
Ni: Fortunato Delos Reyes (LUNAS Kabatiran, Barangay Timbain) May kakaibang puno ng saging na tumubo buhat sa hindi kalayuang barangay na nasasakupan ng bayan ng Calaca. Mula sa Barangay Timbain na pagmamay-ari ng G. Geronimo Matalog. Ayon sa may-ari, nakita niya ang puno isang gabi at nabigla na lamang siya ng makita ang puno ng saging na may isang buwig at sampung puso. Kung gabi ay nakikita niya na may iba’t-ibang anyo ang puso na nagliliwanag at naliligiran ng mga alitaptap ayon kay G. Geronimo. Makalipas ang ilang araw napansin din na may dumadaloy na tubig mula sa puso. Habang lumilipas ang mga araw ay lumalawig at nakakarating sa mga kalapit barangay ang balita tungkol sa puno kung kaya marami na ring mga tao buhat sa sa mga karatig barangay at kalapit bayan ang pumupunta rito upang makita ang kakaibang uring ito. Ayon sa mga mananampalataya ang tubig ay nagsisilbing kagamutan sa karamdaman kung kaya kumukuha sila ng tubig upang ilahid sa bahagi ng katawan na may karamdaman at ang iba naman ay iniinom.Sinasabing ito’y isang Kababalaghan na Likha ng Kalikasan.
|