|
KARERA NG BANGKA SA BARANGAY TALISAY, Dinumog |
|
News
|
|
Ni: Arturo D. Magsumbol (LUNAS Kabatiran Volunteer Worker, Barangay Talisay) Sa kauna-unahang pagkakataon, nagdaos ng karera ng bangka sa Barangay Talisay noong Mayo 13, 2008 sa pangunguna ni G. Alfredo A. Magpile at sa tulong ng Sambal Guys Club ng Barangay Talisay at ilang mga konsehales.
Ito ay nilahukan ng mga bangkero sa mga kalapit bayan tulad ng Nasugbu, San Nicolas, Mabini at ang mga lokal na mangangarera mula sa Barangay Salong. Tinanghal na kampeon ang kalahok mula sa Mabini na “King Maru”, nasa ikalawang puwesto ang “Sagisag” mula pa rin sa Mabini, ikatlong puwesto naman ang bangkang storm na sinasakyan ng heneteng si Randy Catambay ng Barangay Salong at ikaapat na puwesto ang “King Maru 2” ng Mabini parin. Naging makulay ang kabuuan ng nasabing karera na sinaksihan ng maraming Calaqueño at mga taga ibang lugar. Tumanggap ang mga nagsipagwagi ng Php20,000.00 para sa kampeon, Php15,000.00 naman ang second price, Php10,000.00 ang third price at Php5,000.00 ang fourth price. Nagpasalamat naman ang mga nag-organisa ng karera sa mga tumulong upang maisakatuparan at maging matagumpay ang nasabing programa.  |  | | Sinaksihan ng maraming tao ang ginanap na Bancathon Competition sa Barangay Talisay. | |