Bahagi ng pagdiriwangngkapistahan ng Brgy. Quizumbing ang pagkakaroon ng “Caracol de San Rafael”.Ito ay ang pagdaraos ng prusisyon sa dagat.
Ginaganap ito bilang pagpupugay sa nakagisnang tradisyon at bilang pasasalamat sa mga nahuhuling isda at mga biyayang patuloy na ipinagkakaloob sa kanila ng mahal na patron. Humigit kumulang apatnapung bangkang pangisdaan ang nakikilahok sa nasabing prusisyon. Ito ay pingunahan ng ilang barangay opisyal at mga LUNAS Volunteer Workers. Umaga pa lang ay nilagyan na ng palamuti ang mga bangkang ginamit. Nang matapos ang misa na ginanap sa Brgy. Chapel, inihudyat na ang pagsisimula ng karakol. Isinakay ang Patron sa bangka kasama ang mga banda ng musiko. Anong gandang pagmasdan ng mga bangkang sabay-sabay sa pagtakbo. Hindi naging hadlang ang sama ng panahon sanhi ng napabalitang parating na bagyo. Tumuloy ang nasabing karakol sa mga baybay dagat kabilang ang Brgy. San Rafael, Camastilisan, Salong at Talisay.
Sa patnubay ng Patron San Rafael , muluwalhating naidaos ang nasabing prusisyon sa dagat. Galak na galak ang mga mangingisda matapos ang prusisyon kasabay ng pag-asam ng patuloy na biyaya ng dagat at pamalagiang patnubay ni San Rafael sa kanilang pangingisda.
Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang
maghari ang Diyos” Mateo 4:17
Ganun
din naman madalas nating marinig ang katagang ito, “Ang paalala’y gamot sa
taong nakakalimot”. Ang Biblia ay naglalaman ng mga paalala, isa na dito ang
pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Paalala na wari ba’y
ipinagwawalang bahala natin. Bilang mga tao, patuloy pa din tayo sa pag-iisip ng
‘di-maganda sa ating kapwa, pagsasalita ng masama at kung minsan o madalas
paggawa ng hindi tama sa paningin ng tao lalo na sa paningin ng Diyos.
"KALUSUGAN
AY ALAGAAN UPANG ATAKE SA PUSO AY MAIWASAN"
Fasting Blood Sugar, Total Cholesterol,
Triglycerides, HDL (Good Cholesterol), LDL (Bad Cholesterol), Uric Acid on
September 1, 2010, Wednesday at 6:00 AM to 10:00 AM only in Calaca Rural Health
Unit I.
Note: 10 to 12 hours fasting Please bring P220.00 for the laboratory fee.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."