Ni: Prescy L. Bunyi (LUNAS Kabatiran, Barangay Puting Bato East)
Matagumpay na naidaos ang pangkalahatang pagpupulong ng tatlong daan at apatnapu’t tatlong (343) LUNAS Kalusugan, pitong daan at dalawampu’t pitong (727) LUNAS Kapayapaan, apatnapung (40) LUNAS Kabatiran (isa sa bawat barangay), LUNAS Pang-espiritwal, apatnapung (40) LUNAS Barangay Animal Health Worker at pitong (7) LUNAS Pampangisdaan Volunteer Workers sa apatnapung (40) barangay na ginanap sa Calaca Central School noong ika-24 ng Abril, 2008.
Mahalagang mensahe ang binitiwan ni Mayor Nas Ona sa mga LUNAS Volunteer Workers sa idinaos napangkalahatang pagpupulong.
Sa ginanap na pagpupulong inihayag ng butihing punumbayan ang kanyang walang humpay na pasasalamat sa pakikiisa ng lahat ng bumubuo ng LUNAS Volunteer Workers. Kaalinsabay din ang kanyang paghiling sa patuloy na pagsuporta sa mga programang nais niyang isagawa para sa ikauunlad ng mahal na bayang Calaca.
Laking tuwa din ng mga Volunteer Workers sapagkat noong araw ding iyon ay natanggap nila ang kani-kanilang honorarium. Bukod dito ay kitang-kita sa mata ng bawat isa larawan ng isang bayang tunay na nagkakaisa at sama-samang isinusulong ang maka-Diyos at makataong adhikain ng administrasyong ONA-ATIENZA.
Samantala, ang apatnapung LUNAS Kabatiran naman ay napagkalooban din ng kaukulang honorarium at mobile phone para sa mabilis na daloy ng impormasyon at ugnayang ng munisipyo at barangay na nagmula sa Tanggapan ng Punumbayan.
Sama-samang nagtipon ang mga LUNAS Volunteer Workers para sa pangkahatang pagpupulong at pagbibigay ng kanilang honorarium mula sa pamahalaang lokal.
Iniaabot ni Gng. Rhiza De Ocampo ang honorarium sa isang miyembro ng LUNAS Volunteer Workers.
Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang
maghari ang Diyos” Mateo 4:17
Ganun
din naman madalas nating marinig ang katagang ito, “Ang paalala’y gamot sa
taong nakakalimot”. Ang Biblia ay naglalaman ng mga paalala, isa na dito ang
pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Paalala na wari ba’y
ipinagwawalang bahala natin. Bilang mga tao, patuloy pa din tayo sa pag-iisip ng
‘di-maganda sa ating kapwa, pagsasalita ng masama at kung minsan o madalas
paggawa ng hindi tama sa paningin ng tao lalo na sa paningin ng Diyos.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."