Calaca Day Care workers once again
bagged awards in the recently concluded provincial search for “Batang may K”
which was held at the Batangas Provincial auditorium on March 1, 2010. Munting
Puso Day Care Center of Lumbang na Bata headed by Mrs. Rosita M. Valencia got
the 1st place. Meanwhile, Little Angels II of Lumbang na Matanda headed by
Marybel P. Enriquez got the 2nd place. Home Sweet Home Day Care Center of
Puting Bato East headed by Mrs. Mercelina T. Marasigan landed on the 3rd place followed
by Batang Calaca Day Care Center of Poblacion 3 headed by Melba Garcia and
Michelle De Joya and Bulilit Day Care Center of Puting Kahoy headed by Veronica
Manalo for the 4th and 5th place. Calaca topped other municipalities in the Province of Batangas including Padre Garcia, Malvar
and San Pascual. Each municipality has four awardees. Luckily, Day Care
Workers’ unique way of constructing spit trays on their Day Care centers gave
them the edge to be declared winners of the search.
“Batang may K”, an oral and health
program that started on 2008 was a sustainable program of the FDI World Dental
Association, The Philippine Pediatric Dental Association and the Live, Laugh
and Learn Foundation. This program became a reality through the untiring effort
of the project director, Dr. Manuel V. Ballesteros, DMD with the support of
Uniliver Philippines
and the Batangas Provincial Government through the Provincial Social Welfare
and Development Office down to the municipality.
Muling nagsagawa ng magkasunod na Blood Donation Program ang
Tanggapan ng Pambayang Kalusugan noong ika-9 ng Pebrero 2010 sa Barangay
Quizumbing at muling nasundan noong ika-16 ng Pebrero 2010 na ginanap naman sa
nasabing tanggapan na naglalayong makapag-pondo ng dugo para sa mga kababayan.
Ika-17 ng Pebrero 2010, muling nagsagawa ng konsultasyon
para sa mga Calaqueñong nangangailangan ng atensyong medikal ang mga kinatawan
ng Lingap Kalusugan (Non Government
Organization) na ginanap sa Calaca Municipal Health Office. Sa nasabing
programa, nagkaroon ng isandaan at
apatnapu’t walong pasyente na nagpa-eksamin ng Blood Sugar, Total Cholesterol, Triglycerides, HDL (Good Cholesterol),
LDL (Bad Cholsterol) at Uric Acid. Bagama’t may kaukulang bayad na
PhP220.00 ang mga nasabing pagsusuri, higit naman itong mababa ng halos
kalahati ang halaga kumpara sa mga pribadong clinic. Layunin ng programa ng
Lingap Kalusugan na makatulong sa pangangailangan ng mamamayang Calaqueño sa
pakikipagtulungan ng Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dra. Marjolyne
Sharon V. Ona.
Naging maayos ang muling paglulunsad ng ONE STOP SHOP para sa mga nagbayad ng buwis, kumuha at nag-renew ng Business Permit sa bayan ng Calaca noong buwan
ng Enero 2010. Naging kaalwanan din ito sa lahat ng taong may transaksyon sa
lokal na pamahalaan dahil nakapuwesto sa isang lugar lang ang mga tanggapan na
may direktang kaugnayan sa One stop Shop. Ang Business Permits and Licensing
Office ay isa sa mga tanggapan na naging abala sa nasabing gawain kung
saan nakakolekta sila ng P32,400.00 (amusement tax), P 4,104,043.00 (Municipal Business Tax), P 2,907.50 (Fines and Penalties) at P 406,920.48 (Permit Fees). Naging aktibo
rin ang Fire Department, Engineering, Municipal Health at Treasury Office sa
nasabing gawain. Naging positibo naman ang resulta ng programa sa kinauukulan
at umabot sa P13,898,441.81 ang halagang nakolekta ng Tanggapan ng Pambayang
Ingat-Yaman mula sa real property taxes mula Enero 4 hanggang Enero 29. Ang
nasabing halaga ay hahati-hatiin sa iba’t ibang sektor ng lokal na pamahalaan gaya ng sumusunod: P 7,888,566.03 sa bayan ng Calaca bilang
Municipal Share, P 1,852,232.05 ang
Special Education Fund Share at P 926,116.02
bilang Barangay Share na may kabuuang P
10,666,914.10. Ang iba pang halaga na hindi nabanggit sa ulat ay mapupunta
naman sa Panlalawigang Ingat-Yaman bilang provincial share. Naging madali naman
ang pagkolekta ng mga tanggapang may kaugnayan sa pagbabayad ng tax sapagkat
kusang pumupunta ang mga tax payers sa pamahalaan bayan upang magbayad.
Nagpapakita ito na ang mga Calaqueño ay disiplinadong mamamayan. Dahil na rin
sa bawat sentimo na kanilang ibinabayad ay may magandang kinalalagyan na nakikita ng mga taumbayan.