offroad12 KaTerio_2010_04 foklorico01 lmp-batangas_induction_2010_30 europe_2010_97 inauguration_2010_09 mountainbike05 cong_ermita_pc-distribution_12 offroad06 maliputo_festival_2010_09 procession06 GamitMo_SagotKo_2010_06 msgay13 lmp-batangas_induction_2010_73 sweets
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
Lokal na Partido LAKAS KAMPI CMD, Naghain ng Kandidatura

Ni liza Lorena C. Casanova

 

lakaskampicmd01.jpgNoong ika-23 ng Nobyembre, 2009 pormal na naghain ng kandidatura ang mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyon sa bayan ng Calaca. Sa pagtataas pa lamang ng bandila ng Pilipinas at bandila ng bayan ng Calaca nag-animo’y dalandan ang kapaligiran dahil sa mga nakasuot ng kulay orange (ang opisyal na kulay ng kasalukyang administrasyon) na nakiisa sa flag raising ceremony. Kasabay nito ipinakilala ang mga kandidato ng partido lokal ng LAKAS-CMD KAMPI na pinangunahan ng kasalukuyang punumbayan, Mayor Sofronio Leonardo “Nas” C. Ona, Jr.. Kabilang sa partido sina Vice-Mayor Lordilando D. Atienza at limang kasalukuyang konsehal ng bayan na sina Kgg. Prima C. Dajoyag, Kgg. Brigido Casanova, Kgg. Luis Macalalad, Kgg. Robenson Sale at Kgg. Deovic Ontangco. lakaskampicmd02.jpgSamantala tatlong bagong kandidato ang napasama sa hanay kabilang sina G. Anselmo Macalindong, G. Robert Salazar at dating SK federation president, Niño Glenn Matulac. Buo naman ang suportang ibinigay ng mga kapitan ng barangay sa pangunguna nina ABC President Orlando Noche at Sk Federation President Emilyn Alcazar. Mula sa hanay ng limang (5) incumbent, tatlong (3) bago sa partido at dalawang (2) ex-officio sila ay tinawag na magnificent ten. Matapos ang pagpupugay sa bandila, ilang sandali lang ay pormal ng tinungo ng mga kandidato ang opisina ng COMELEC upang ihain ang kanilang kandidatura habang matiyagang naghintay ang mga taga-suporta ng partido hanggang sa ito ay matapos.
 
3rd Quarter Honorarium ng mga LUNAS Volunteer Workers, Ipinagkaloob!

Ni: Liza Lorena C. Casanova

 

3qlunas01.jpgTumanggap ng honorarium ang mga LUNAS Kapayapaan, Kalusugan, Kabatiran, Pampangisdaan, Animal Health, Bantay Dagat Volunteer Workers sa bayan ng Calaca noong ika-23 ng Nobyembre 2009 kasabay ng ginanap na LUNAS Volunteers General Assembly.

 

Read more...
 
BLOOD DONATION PROGRAM, NASa Dugo Mo ang Buhay Ko

Ni: Maridy Manalo

 

Patuloy ang paglulunsad ng Blood Donation Programs ng tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa pakikipagtulungan ng Batangas Regional Hospital Blood Bank Department at Batangas Provincial Health Office sa nasasakupan ng bayan ng Calaca. Noong ika-10 ng Nobyembre isinagawa ang nasabing programa sa Barangay Makina na nagkaroon ng labing pitong (17) blood donors. Gayundin din noong ika-17 ng Nobyembre nagkaroon din ng parehong gawain sa barangay Camastilisan na mayroong walong (8) blood donors.
 
Read more...
 
AMATEUR RADIO ORIENTATION SEMINAR, BINALANGKAS

Ni: Liza Lorena C. Casanova

 

amaradio01.jpgNoong ika-6 hanggang ika-8 ng Nobyembre 2009, matagumpay na naidaos ang Eagle Scouts Council Assembly sa Calaca Central School. Ito ay dinaluhan ng isandaan at limampu’t isang (151) Eagle Scout mula sa Batangas Council at dalawampung (20) Rover Scouts na kawani ng lokal na pamahalaan. Dumalo din ang mga Training Team ng Boy Scouts of the Philippines at Scouts Adult Leader Batangas Council sa pamumuno ni Gng. Thelma Panganiban, Chief-Council Scout Executive. Dumating din si G. Expedito P. Eduarte, Regional Director ng Boy Scout of the Philippines na siyang naging panauhing tagapagsalita.

 

Read more...
 
COOPERATIVE MONTH IPINAGDIWANG, KOOP QUIZ 2nd BLAST GINANAP

Ni Liza Lorena C. Casanova

 

coopmonth0901.jpgBahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month isinagawa ang Koop Quiz 2nd Blast noong ika-23 ng Oktubre 2009 sa Pamahalaang Bayan ng Calaca. Ang paligsahan ay sinalihan ng anim na mag-aaral, isa sa bawat paaralan mula sa ika-apat na taon sa mataas na antas ng pribado at publikong paaralan sa nasasakupan ng bayan ng Calaca. Nagtagisan ng galing sina Laiden L. Marsigan ng Dacanlao  Gregorio Agoncillo Nat’l High School na nagkamit ng unang pwesto,  pumangalawa si  Kenneth M. Reyes ng Province Science High School; Keyzelle Ann R. Robles ng Pedro A. Paterno Nat’l High School sa ikatlong puwesto, Kimberly C. Bautista ng Cahil Nat’l High School sa ikaapat na puwesto at sa ika-limang puwesto si Ailene C. Catibog ng Calaca Academy. Tumanggap sila ng cash prize na P3000, P2000, P1000 at P500 ayon sa pagkakasunud-sunod.  Si Bb. Dolores B. De Torres ang gumanap na quizmaster at naging hurado sina Konsehal Deovic Ontangco, dating Calaca DepEd District Supervisor, G. Alfredo S. Magpile at Administrative Officer, Bb. Lizette Maligaya.

 

Read more...
 

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < September 2010 > »
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2
No events

You Are Visitor

We have 7 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola