Matapos ang dalawang taong paghihintay, sa wakas, pasisinayaan na ang pinakabago, pinakamalaki at pinakamodelong bahay pamahalaan sa Lalawigan ng Batangas. Sa darating na ika-26 ng Enero ng taong kasalukuyan, pormal na bubuksan ang bagong munisipyo ng Bayan ng Calaca na inaasahang dadaluhan ng mga kilalang personalidad. |
|
Read more...
|
|
|
Ni: Liza Lorena C. Casanova
Bahagi ng magagandang programa at layunin ng Administrasyong ONA-ATIENZA ang maitaguyod at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Calaca. Patuloy ang pagsasagawa ng iba’t-ibang uri ng pagsasanay sa mga Barangay, kabilang dito ang tinatawag na PRE-MEMBERSHIP EDUCATION SEMINAR ON COOPERATIVE upang maging panuntunan at magkaroon ng sapat na kaalaman para sa pag-balangkas ng koopertiba sa labing limang barangay. Una itong isinagawa sa barangay Lumbang Calzada na dinaluhan ng limamput dalawang residente kabilang ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ni Kon. Boyet Umali. Sumunod na isinagawa ang pagsasanay sa barangay Puting Bato West na dinaluhan ng tatlumpu’t tatlong mamamayan sa pangunguna pa rin ng mga opisyales.
|
|
Read more...
|
|
Ni: Liza Lorena C. Casanova Maayos na naidaos ang pangkalahatang pagtitipon ng mga LUNAS Kapayapaan, Kabatiran, MFARMC at Barangay Animal Health Workers noong ika-15 ng Disyembre, 2008 sa Calaca Municipal Gymnasium. Kasabay nito ang pagbibigay ng kanilang onoraryom na nagkakahalaga ng Php1200.00 bawat volunteer mula sa lokal na pamahalaan. Bukod sa pondong lokal, bawat volunteer na itinalaga ng pamahalaang panlalawigan ay tumanggap din ng halagang Php500.00 mula sa pondo ng lalawigan na ipinamahagi ng mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan. |
|
Read more...
|
|
|