|
Lorna L. Aquino, MIO Another milestone was discovered by the Municipal Agriculture staff after coming up with a successful lettuce harvest in its dry-run production last July 4 at Barangay Putingkahoy with farm Cooperator Felipe Villanueva and Jay Atienza, farm technician of the said project. |
|
Read more...
|
|
|
Ni: Tacing Lasheras (LUNAS Kabatiran, Barangay Cahil) Ang barangay Cahil ay isa lamang sa napagkalooban ng Vegetable Farming Inputs sa ilalim ng programang Nananaganang Ani ng Sambayanang Calaqueño, Onward to New Aspirations na inilunsad ng Punumbayan Sofronio C. Ona, Jr. sa pamamagitan ng Pambayang Agrikultor na pinamumunuan ni Gng. Alicia A. Cabrera. Lubhang kasiya-siya sa mga magsasaka hindi lamang sa barangay Cahil manapa’y sa buong bayan ng Calaca ang ganitong proyekto. Napili ng mga kasaping magsasaka ng barangay Cahil ang magtanim ng talong (morena eggplant) kung saan ay pinagkalooban sila ng binhing buto, organic at complete fertilizer, plastic mulch at iba pa na angkop sa 1,000 sq. meters na lupang taniman kung saan ang kita ay umabot sa halagang Php 6,241.5 bawat farmer cooperator na sina Macario Manguiat, Jose Noche, Senando Jolongbayan, Aquilino Delos Reyes, Maximo Patulot, Juliet Noche, Felipe Alvarez, Virgilio Ronario at Crisanta Manalo. |
|
Read more...
|
|
|
Ni: Sherwin Comia Panahon na naman ng tag-ulan, panahon na naman ng Dengue. Ang DENGUE ay isang sakit na sanhi ng virus na nalilipat sa ibang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Ang lamok na nagdadala o nagdudulot ng Dengue ay iyong nakakagat sa ibang tao na maysakit na dengue at muling kakagat sa iba at dito ay magdudulot ng dengue. Ito ay hindi naiihawa tulad ng ibang sakit. Dito sa Pilipinas may dalawang (2) uri ng lamok na nagdadala ng dengue. Ito ay ang Aedes Aegypti na makikita sa loob ng bahay at ang Aedes Alpopictus na makikita naman sa labas ng bahay lalo na sa mga halamanan. Ang kulay ng lamok na ito ay batik-batik na puti at itim.Ang babaeng lamok na aedes ay nakakapangitlog ng tatlo (3) hanggang apat (4) na beses sa kanyang buong buhay. May kakayanang mangitlog ng 60-100 itlog sa loob lamang ng isang itlugan. Ang babaeng lamok lamang ang kumakagat. Ito ay nangangagat sa umaga pagsikat ng araw hanggang sa hapon bago lumubog ang araw. |
|
Read more...
|
|
|
Mapalad ang mga halal na opisyales ng apatnapung (40) Barangay sa nasasakupan ng Bayan ng Calaca kabilang ang mga kapitan, kalihim, ingat yaman at konsehal na siyang nahirang bilang Chairman ng Committee on Budget sa Sangguniang Barangay sapagkat noong ika-4 hanggang ika-6 ng Hunyo ay nagkaroon ng Seminar Workshop on Budget Operations Manual for Barangays (BOMB) sa Monte Vista Hotspring and Conference Resort, Barangay Pansol, Calamba City, Laguna. |
|
Read more...
|
|
|
Ni: Lorena C. Casanova Mahabang panahon na ang nakalipas ngunit nananatiling buhay at nakakintal sa isipan ng mga Calaqueño na minsan pa’y may isang magiting na Heneral ang nagbuwis ng buhay para sa minamahal na bayang Calaca. Tanging nakatayong bantayog na lamang ang naglarawan sa katauhan ni Heneral Eleuterio G. Marasigan na kung tawagin ay “KA TERIO”. Subalit higit sa taas ng taluktok ng bantayog ang kabayanihang ipinamalas ng Heneral. |
|
Read more...
|
|
|
|