Ni: Hazel D. Collado
Sa pagtutulungan
ng mga LUNAS Kalusugan Volunteer Workers at Sangguniang Barangay, nabigyang
kasagutan ang kahilingan ng mga residente ng barangay Caluangan. Namahagi ang
mga LUNAS Kalusugan ng mga gamot para sa mga bata noong ika-24 ng Pebrero 2009
sa pangunguna ni Gng. Leonisa Andal, pangulo ng LUNAS Kalusugan ng barangay
Caluangan.
Read more...
Ni: Sherwin Comia,
Sanitary Inspector
Isang
seminar ang inilusad ng Municipal Health Office para sa mga food handlers sa
bayan ng Calaca na pinangunahan ni
Dr. Sharon Ona at
sanitary inspectors ng nasabing tanggapan na ginanap noong ika-24 ng Pebrero
taong kasalukuyan.
Isinagawa ang nasabing aktibidad kasabay ng buwan ng
kuhanan ng sanitary permits at health certificates upang mahikayat ang mga
magtitinda ng pagkain na dumalo sa nasabing seminar bago kumuha ng mga nasabing
requirements.
Read more...
Ni: Lorena C.
Casanova
Noong
Pebrero 19, 2009 isinagawa sa compound ng Bacnotan Industrial Park Corporation
ang pagpapakawala sa 80 (walumpung) batang pawikan sa baybay dagat ng nasabing
compound. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan
sa pamumuno ni Mayor Nas Ona at Vice-Mayor Larry Atienza; kasama ang mga
miyembro ng Sangguniang Bayan, Monitoring Team, BIPC Personnel at ilang miyembro
ng Boy Scout of the Philippines Training Team.
Read more...
<< Start < Prev 1 2 Next > End >> Results 10 - 12 of 12